Sunday, August 19, 2007

Republic Act No. 9372, nakakabuti ba o nakakasama

ni: Jon Lee


Lahat ng bansa ay namomoblema sa terrorismo. Isa na dito ang Pilipinas. Ang Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Font (MILF) ay mga halimbawa ng mga grupong kilalang terroristang namamayani sa Pilipinas. Dahil dito gumawa ang pamahalaan ng batas, ang Republic Act No.9372, laban sa terrorismo. Pinirmahan nito ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong ika-anim ng Marso taong 2007. Dito opisyal niyang idineklara na maging batas ang aktong ito at noong ika-labing lima ng Hulyo nagsimula ang implementasyon ng batas. Ang Republic Act No.9372 o Human Security Act of 2007 (HSA) ay batas na ang layunin ay maprotketahan ang buhay, kalayaan at ari-arian ng mamamayan sa akto ng terrorismo.

Kung papakinggan, mukhang maganda at nakakabuti sa lahat ang batas na ito pero kapag binasa ng maiigi ang mga nilalaman, mapapansin na maraming butas o kwestyonableng sitwasyon ang nakasaad sa batas na ito. Dahil sa mga nilalaman ng batas, may mga taong nagsasabi na ito ay pasimpleng paraan ni Pangulong Arroyo para maging Martial Law ang bansa dahil lumalabas ay nagiging kontrolado na niya ang mga tao gamit ang batas na iyon.

Isa na dito ang nakasaad sa Seksyon 3 na ito na sino man ang gumawa o magpalaganap ng takot sa mamamayan ay masasabing isang akto ng pagterrorismo. Dahil dito, pati ang pagrarally laban sa kasalukuyang administrasyon ay pwede na rin ituring na isang paraan ng terrorismo dahil ang pagrarally ay masasabing isang akto ng pagrerebelde. Kung ganoon man, lumalabas na bawal n gang pagrarally. Parang tinanggalan na ang mga tao ng karapatan para magsalita.

Isa pang halimbawa ay iyong nakasaad sa Sekyson 15 at 16. Nakasaad dito na kahit anong recorded na usapin, nakasulat man o hindi, ay hindi pwedeng gamiting ebidensya laban sa kahit kanino o sa kahit anong klaseng judicial o hearing. Kung sino man ang hindi otorisadong nagrerecord ng usapin na iyon ay mapaparusahan. Dahil sa batas na ito lumalabas na gumagawa ng paraan ang pangulo na gawing tama lahat ng kanyang ginawang mali. Noong 2004 eleksyon, nawire-tapped ang pag-uusap ng pangulo at ni Garcilliano tungkol sa pagdadaya ng boto, ang “Hello Garci”. Ipinipahawatig nito na bawal o walng sino man ang pwedeng makailam sa pangulo, kahit na may hinala ka nang may masamang nangyayari.

Dahil sa mga ito masasabi ngang may balak nag awing Martial Law ng pangulo ang Pilipinas. Pero sa tingin ko hindi naman siguro nila gagawin itong batas na ito kung magdudulot lang pala sa mas magulong bansa. Ang France, Australia, Britain ai iba pang bansa ay nagpatupad rin ng itong batas at ok naman iyong bansa. Wala naman sigurong matinong tao na gugustuhin na mas pahirapin ang sariling bayan kaysa ikabubuti nito. Kailangan lang siguro nilang liwanagin ang mga bagay-bagay para magkaayusan. Siguro may kwenta rin ang pagiging malabo ng kontento dahil kapag ganoon, mas mahirapan humanap ng lusot ang mga terrorista. Mahihirapan na silang gumawa ng kalokohan.

No comments: