Saturday, August 18, 2007

paglabag o pagligtas sa seguridad ng mamamayan?


Noong ika-8 ng Pebrero taong 2007 ay ipinasa ang huling pagbasa sa ang Anti-Terrorism Act at binigyan ng titulong Human Security Act of 2007. Ika-6 ng Marso 2007 nang pirmahan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang bill para maging batas. Ang batas na ito ay naunahan pa ang mga mas mahalaga at mas naunang ipinapatupad gaya ng P125.00 na pagtaas ng suweldo, pagbalik ng bill para sa mga biktima ng Marcos human rights, at ang pagbaba ng presyo ng mga medisina. Ito ay ang sinasabing batas para na proprotekta sa buhay, kalayaan, at mga karapatan mula sa akto ng terorismo. Ginagawa ng batas na ito ang terorismo bilang krimen laban sa mga Pilipino, sa buong mamamayan, at laban sa batas ng lipunan. Ang tinutukoy na pagiging terorista sa batas na ito ay ang ano mangakto kung saan nakakagawa ang indibidwal ng katkot o pangamba sa publiko na pumupwersa sa gobyerno upang magbigay ng hindi ligal na utos. Pero sa sinasabing batas na ito, pagligtas nga ba talaga o paglabag sa seguridad ng mga mamammayan ang magaganap?

Ang sino mang indibidwal ang mapagsususpentyahan na terorismo ay hindi mabibigyan ng kalayaan sa proseso ng pagiging inosente. Ang Anti-Terrorism Act ay nagbibigay ng mas medaling proseso upang mabuwag ang isang organization o ang isang indibidwal. Ang pagakakakulong ng isang tao na hihigit sa 48 na oras ay madaling masasabi na kinakailangan at ligal. Ang 48-oras ay higit pa sa sapat na oras upang parusahan ang isang bilanggo. Ilan pa sa mga biolasyon sa batas na mas pinadali gawa ng Human Security Act ay ang hindi pagtukoy kung gaano katagal ang pagkakakulong ng indibidwal at hindi maaaring bayaran ang kanyang paglaya, ang paghinto at pagkuha sa mga pinansyal na pagmamay-ari ng taong sinasabing “terorista,” ang mas pinadaling paghuli ng mga kasama o mga may kinalaman sa nagawa ng “terorista,” at ang pagsubaybay sa buhay indibidwal at pati na rin sa kanyang pamilya. Marahil ay marami ang masisiyahan na mas madaling mahuhuli ang mga “terorista” dahil sa batas na ito. Pero marami namang nalalabag at nababagong iba pang batas ang batas na ito. May mga prosesong kinakailangan ng mas mahabang pag-aaral ang napapadali dahil sa nasabing batas at maaari itong mahantong sa isang hindi makatwiran na desisyon.

Sa ika-19 na Seksyon ay nakasaad na sa aktual na pag atake ng terotista, ang mga napaghihinalaang terorista ay mananatili sa pagkahuli sa loob ng 72-oras kahit pa walang warrant. Nakasaad din na ang mga municipal, city, probinsyal, o rihional human right commission official ay mayroong kapangyarihan na iutos ang pagkakakulong ng isang “terorista” ng higit pa sa 48-oras. Malinaw nito na sinusuway ang batas Section 18, Artikulo VII ng Constitution, sino mang indibidwal na inaresto o ikinulong ay dapat mabigyan ng tama at makatarungang desisyon sa loob ng tatlong araw lamang at kung hindi siya mapatawan ng ano mang desisyon ay mapapalaya na lamang siya.

Sa ika-26 na Seksyon, ang paglimita sa karapatan sa paglakbay. Ang indibidwal na hindi malakas ang ebidensya sa sinasabing sala niya ay malilimitahan ang karapatan niya na lumakbay. Ang “terorista” ay hahatulan din ng “house arrest” kung saan hindi siya maaaring gumamit ng cell phone, telepono, computer, at ng iba pang pamamaraan ng pakiki-pagkomunikasyon sa kahit kanino pa na nasa labas ng tahanan niya hanggat hindi iniuutos ng batas. Ang sitwasyon din kung saan ang indibidwal ay maaaring mapalaya sa pamamamagitan ng pagbayad ay makakaharap din ang pagiging exkomulgado habang nasa “house arrest”. Ang ika-7 Seksyon naman ay lumalabag sa karapatan ng indibidwal na magkaroon ng pribadong buhay. Ligal na obserbahan ang anumang gawain ng nasabing terorista. Ang autoridad ay mayroong karapatan na making at irecord ang lahat ng nagaganap at magaganap na komunikasyon ng “terorista”. Kinakailangan lamang ng permisyo mula sa REegional Trial Court ang pag-wiretap at iba pang uri ng electronic na pag-obserba. Ang kapangyarihan ng pakikinig ay medaling maaabusa sa batas na ito.

Sa ika-27, ang mga bank deposits, accounts, at records ng indibidwal ay maaaring tignan ng nasa atoridad. Kahit pa ang simpleng salarin ay maaaring matignan ang kanyang records sa banko. Lahat ng mga inpromasyon na may kinalaman ang indibidwal ay maaaring tingnan ng autoridad. Ang ika-57 na sekstyon ay nagsasabi na hindi ipinapatupad ng batas ang “extraordinary rendition,” kung saan ang salarin ay maaaring ipadala sa ibang bansa at ipaubaya sa ibang gobyerno, pero sinasabi rin dito na maari naman itong gamitin kung kinakailangan. Kinakailangan lamang ng pirmisyo ng gobyerno ng Pilipinas na ang mga karapatan ng “terorista” ay gagalangin ng bansang padadalahan nito. Ang hindi magandang parte ng Seksyon na ito ay ang indibidwal ay maaaring dalhin na lamang sa isang hindi pamilyar na lugar at kasuhan siya ng krimen na pagiging terorista at pipiliting maging parte siya ng “ligal” na proseso. Ang proseso na ito ay madalas na mayroong kasamang pagpapahirap.

-ycasiano-

No comments: