Saturday, August 18, 2007

R.A. 9372...makatarungan ba o hindi??
ni: Joanna Marie Ignacio
Ang Human Security Act ng 2007 ay naipasa sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ito aymas kilala bilangAnti -Terrorism Law. Ang batas na ito ay ang magpoprotekta sa mga taong bayan at para din maiwasan ang pagkalat ng mga terorista at ng terorismo sa buing bansa. Kasama sa mga nag-apruba ng batas na ito ay ang presidente ng Senado na si Senador Manny Villar at si Jose de Venecia na siyang pinuno ng mga mambabatas. Ano nga ba ang maidudulot ng batas na ito sa mga Pilipino? Maganda ba ang R.A. 9372 para sa ikauunlad at ikatatahimik ng bansang Pilipinas? Ang akdang ito ay tatalakayin ang mga magaganda at masasamang bagay na maidudulot nitong batas na ito sa mga Pilipino at sa bansa.
Ang isinasaad sa batas na ito ay ang pagiging mahigpit na pag-iimbestiga o mahigpit na pamamalakad ng mga pulis ukol sa terorismo. Napapadalas na kasi ang pagbobomba, pagpatay sa mga tao at pagpasok ng mga terorista sa loob ng bansa. Itong batas na ito ang sagot sa problema ng bansa tungkol sa terorismo sabi ng iba. Lalagyan ng wire tapping device ang bawat linya o metro ng telepono sa buong bansa. Ang makaliligtas lang sa batas na ito ay ang mga abogado, doktor, manunulat at ang kanilang mga kliyente. Kasama din dito ang mga konpidensyal na pag-uusap ng mga nagnenegosyo. Sa ganitong klaseng batas, matatakot diumano ang mga tao at hindo na basta basta gagawa ng mga krimen. Ang parusa sa mga taong ito ay 40 taong pagkakakulong.
Narito ang ilang mga nasaliksik ng manunulat kung bakit dapat ipagpatuloy ang pagpapatupad ng nasabing batas. Nagtanung tanong ang mananaliksik sa mga tao at narito ang kani-kanilang pahayag o opinyon tungkol sa isyu. Una ay ang masisigurado daw ang katahimikan at kapayapaan sa bansa. Maaaring hindi na silang masyadong mangamba sa kung ano man ang maaaring mangyari. Hindi na sila natatakot sumakay ng mga LRT o MRT na may pangambang baka sumabog ito na katulad na rin sa mga bus na maramimg insidente ng pambobomba. Ang pangambang ito ay dulot ng mga pambobomba ng mga terorista tulad ng nangyari sa Rizal Day bombings. Pangalawa, maaaring mabawasan ang kaso ng mga pandurukot sag ma bata o kahit sa mga matatanda. Pwedeng maiwasan ang ganitong pangyayari sa pamamagitan ng batas na ito. Sabi rin nila na mahuhuli na rin ang mga politikong may balak na masama o may ginagawang hindi maganda o walang magandang maidudulot sa bansa tulad noong nangyari kay Gloria sa isyu ng “Hello Garci Scandal”. Isa pang magandang maidudulot nito ay kung may papasok man na dayuhang terorista ay madali nilang malalaman. Maaari din itong maiwasan bago pa may mangyaring hindi kaaya-aya sa mga Pilipino o sa bansa mismo. Sabi rin na mas magiging maganda ang seguridad ng bansa at hindi na matatakot ang mga dayuhang bumisita sa ating bansa para makita ang napakagandang mga tanawin na angkin ng bansang Pilipinas. Ito ang mga magagandang bagay na maibibigay ng Human Security Act sa ating bansang Pilipinas at sa ating mga kapwa mamamayan.
Ngunit sa kabilang banda ng mga magagandang bagay na naidudulot ng batas na ito, mayroon ding mga pangit na bagay at may mga hinaing ang maraming tumututol sa pagpapatupad ng batas na ito. Sabi ng mga taong ito na nawawalan daw ng privacy o ang pagiging pribado ng isang tao kung naka-wire tap ang sarili nilang mga telepono. Nawawalan daw ng respeto ang gobyerno sa mga mamamayan nito. Mayroon namang ibang solusyon dito tulad ng pagkakaroon ng National Identity Card o ID. Isa pang pangit na bagay na maidudulot nito ay ang pwedeng pang-aabuso ng mga nasa gobyerno. Pwede nilang gamitin ang kanilang posisyon para abusuhin o di kaya ay mang-block mail sa mga target nilang tao. Kung hindi sila pagbibgyan ng mga taong ito sa mga kagustuhan nila, gagawin nilang alas laban sa mga taong iyon kung ano man ang narinig nila sa usapan ng mga naturang tao. Mas magiging malakas ang loob ng mga taong nasa posisyon dahil sila ang may hawak ng halos na lahat. Ang huli at ang pinakapunto ng mga hindi sumasang-ayon ay ang pwedeng pagkawala ng press freedom o ang paglalabas ng totoong saloobin laban sa gobyerno. Hindi pwedeng magsalita ang mga taong bayan ng kahit na anong masama laban sa gobyerno. Pwede nilang sabihin na iyon ay isang porma ng terorismo. Lalong mahihirapan ang pagkamit ng katarungan sa bansa at lalong makakawawa ang masang Pilipino sa ganitong klaseng batas. Ang mga tao at organisasyong na laban sa administrasyon ang mas nadedehado sa pagpapatupad ng batas na ito dahil ang pangulo at kakampo nito ang may hawak sa batas at may kapangyarihan sa batas na ito.
Para sa huling parte ng akdang ito, ang masasabi ng manunulat ay mayroon ngang magagandang bagay na naidudulot ang batas na tio ngunit mayroon din itong masamang magagawa. Hindi lahat ng mga batas ay magaganda. Kung ito ay magbibigay oportunidad sa mga may kapangyarihan na maging abusado, sana ay hindi na ipinatupad ito. At ang isa pang magulo ay kung bakit kailangang isuspinde ang batas na ito isang buwan bago ang eleksyon at dalawang buwan pagkatapos ng eleksyon. Hindi ba’t maaring makakatakas o makalusot ang mga mandarayang politiko ng bansa?

No comments: